Sa Buhay Mayroong Isang Minsan…

Taraay ng title.. Pero actually, yan ang unang pumasok sa isipan ko. Time check: 11:41 pm na. Di pa din natutulog ang buong katauhan ko. Yung mata ko, gusto ng pumikit, pero napili ng mga kamay kong magsulat muna ng isang makabuluhang blog. 

Nakanamaaaaaan… 
Pero seriously… Napasulat na naman ako dahil naisip ko na naman siya. Dahil biglang sumingit ang anino niya from my side glances noong isang araw. Nakakaloka lang. Kasi bumalik na naman yung mga siguro 30 to 40% ng #feels. Akala ko okay na ako after 3 months. Hindi pa pala..

Hindi ka pala talaga mabilis umusad lalo na kung sobrang apektado ka sa mga bagay – bagay. Napapaisip kung sana ba ginawa ko ito noon, mas okay kaya? Kung di ba ako naghesitate, mas okay kaya?
Sa buhay, may isang minsan na sana hindi ka nagalinlangang gawin. May mga oras na dapat hindi mo sinayang. Pero may isa din minsan na siguro may dahilan ang lahat. Pero kahit may dahilan pa din ito, hindi ko pa din matanggap. Na minsan di naman mahirap tanggapin sa sarili mo na nagpakatanga, nagpaka-ogag ka dun. Pero siya ni minsan walang tsek yung mga sagot ko sa kanya.
Ayun lang. Short but sweet naman ika nga nila. I hope this ends na. My other self: sana magbago na yung #feels nun. 

Random Thoughts:

Credits to Peso Sense @ FB


Advertisements

Confessions of a Korean drama (Kdrama) addict.

Malamang halos karamihan sa inyo di na mapakali sa susunod na episode, upload mga eklavu. Ng Probinsyano ba? Yung iba siguro. Pero ako, yung Korean drama sa VIU Ph ang inaabangan ko. Di naman ako sobrang addict dati. Nito lang. After siguro ng DOTS. As in Descendants Of The Sun. If you know what I mean… Ha ha ha..
Bakit nga ba matunog ang mga kdrama? Ito yung mga rason ko.

1) Para sa akin, simple lang. Magaling kasi sila gumawa ng simpleng #feels pero yung impact sa tao sobra – sobra. Yung tipong hindi mo siya makikitang paulit – ulit sa mga korean dramas.
2) Napakaclear cut nung story line. Hindi kailangang pahabain ng isang taon kasi para lang magkaratings. (As far as I am concerned, kokonti lang ang nanonood ng kdramas sa SK. Not sure. Can somebody enlighten me?!)

3) Hindi ka talaga magsasawa at kahit na nagmamakaawa na yung eyebags ko sa sobrang adik ko sa kakanood, okay lang. Kasi dito nakakalimutan ko yung mga problema ko.

Dahil dyan, mag-eenumerate ako ng mga ilan sa mga Kdrama na napanood ko recently and yung mga natutunan ko sa bawat isa.

Descendants of the Sun

 Starring Song Joong Ki (SJK) and Song Hye Kyo (SHK). This drama taught me the value of trusting your partner. Of course, being patriotic. Isa sa mga favorite scenes ko doon eh yung nasa hospital si Yoo Si Jin (SJK) at yung matutulog na sila ni Kang Mo Yeon (SHK) tapos nagthank you sila sa isa’t – isa dahil sa pagligtas ng buhay ng bawat isa. Tapos nagdecide silang manood nung movie na hindi nila matapos – tapos (pero hindi din nila natapos sa huli). 

Credits to KBS and VIU Philippines for this image


Goblin

Ito na siguro yung pak na pak na pak na korean drama na punong – puno ng feels. Lalo na kay Kim Shin (Gong Yoo) at Ji Eun tak (Kim Go Eun). Ang isa sa natutunan ko naman dito ay ang hindi mag – give up sa love. Sabi nga nila, love transcends age and time. Kaya talaga namang age doesn’t matter dito mamshie. Kasi ba naman kung ganyan kapogi yung boyfriend mo kahit na 900++ years old na siya, okay lang anubeeey.. ❤ Isa din sa stories na hinangaan ko is yung kay Wang Yeo (Lee Dong Wook) and Kim Sun (Yoo In Na). It doesn’t matter who you love. Ang importante, mahal niyo ang isa’t-isa. Kelangan ko yatang sabihin ito sa sarili ko ah hahaha…

Isa sa mga paborito kong scenes dito yung nahuli ni Kim Sun si Wang Yeo sa restaurant niya. Like booom panis. Sa mga panahong ganito, kahit anong tago mo, lahat ng sikreto ay lalabas at lalabas din.

Credits to tvN and VIU Philippines

Credits to tvN and VIU Philippines



Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo

Sa lahat ng napanood kong Koreanovela, ito na siguro yung pinakamasaklap. Dahil hindi nagkatuluyan ang mga bida. Az en. T_T Dyusmiyoooo hindi naman natin or baka kung dito ginawa sa Pinas yung storyline nyan, lumalangoy sa kailaliman ng putik ang ratings nyan. 

Hindi naman naging paasa si 4th Prince Wang So (Lee Joon Gi) kay Go Ha Jin/Hae Soo (Lee Ji Eun/IU). Pero sadya lang talagang hindi sila pinagtagpo ng panahon. Ang saklap mga bes. Sobraaaaa. 😦 So dito maaapply yung tamang panahon ng AlDub. O pupuwedeng hindi talaga pinagtagpo ng tadhana. Dapat ipaglaban natin yung mga mahal natin kasi pagdating ng panahon baka mawalan na tayo ng oras. Tapos ayun pala, tapos na. Hindi na puwedeng isalba (ouch). Hay. Ligwak ganern ang peg.

Favorite ko dito yung kakiligan nila ni Hae Soo at Wang So while watching the moon. Ke ke ke ke..

https://static.asiachan.com/Moon.Lovers%3A.Scarlet.Heart.Ryeo.full.128699.jpg

Credits to SBS

**In fairness sa kanilang dalawa… #couplegoals <3<3<3


Weightlifting Fairy Kim Bok Joo

Ito ang isa sa mga feel good kdramas ko. Noong nasa lusak pa ang puso ko, ito lang yung nagsalba sa akin. Kaya kahit break na kayo Nam Joo Hyuk (NJH) at Lee Sung Kyung (LSK), tiwala pa din ako kung anong meron kayo. 

Kim Bok Joo (LSK) and Jung Joon Hyung (NJH) taught me so much about love. That is to never be afraid to love, to never be ashamed of love, and to never doubt of love. As generations and generations pass throughout this lifetime, we may realize that it doesn’t matter how young or how old we are. In love, we just have to learn how to handle the ups and downs of it and you’ll get through. 

Ohhhhh.. Kaya mo ba yang pangmalakasang statement ko? Hahaha. Eh basta sobrang gaan ng korean drama na ito kaya bet na bet ko kahit na 10 times ko pa itong panoorin.

Credits to MBC and VIU Philippines

Live Up To Your Name Dr. Heo

Ito bagong – bago pa lang I think yung Koreanovelang ito. May twist ng past and present plot. What I love about this kdrama is that eventhough they have different medical views since they both are from different times, they have one goal– to save every patient they see with their own might.  Siguro iisipin ng iba na medyo thunderbird na itong si Heo Im (Kim Nam Gil) at si Choi Yeon Kyung (Kim Ah Joong), pero may chemistry sila mga bessssss….. Hihihi..

Credits to tvN and VIU Philippines

Ayaaaaan. Sa totoo lang sobrang dami ko na napanood na Kdramas pero kung i-eenumerate ko dito lahat, baka maubos na oras niyo. Haha.

Korean dramas taught me that simplicity is a key to make an impact. It doesn’t have to last for a decade for it to make a mark. 

So sana lahat ng mga teleserye dito sa mahal kong Pilipinas eh hindi man maging katulad ng Koreanovelas pero sana yung mga plot nila ay hindi pare-parehas. Yung naakma sa panahon. Yung madaming matutunan yung mga tao ngayon. Yung tipong kahit hindi puno ng feels, eh hindi siya yung tipong, isasara mo na lang yung tv niyo at manonood ng Youtube (which is not bad too). Nakakawalang gana kasi yung mga palabas dito. Imbis na marelax ka, lalo ka pang mastestress. Hahahaha. Well, except for one.
Random Thoughts:

Gusto ko lang i-congratulate ang pinakapeborit kong teleserye ngayon, ang Wildflower para sa palong – palong ratings!!!!

Goodbye Ivy Aguas, at hello Lily Cruz.

Boooooooooooomm… 

Padaanin niyo nga si LC. Hindi si Lloyd Cadena. Si Lily Cruz.

How To Go On With Your Life If It Has Been All Sh*t?

Here is a post from someone.. 😦

“For the last time.. Hopefully… I have a confession to make…
Una sa lahat, gusto ko lang sabihin na nakakabuwisit lahat ng mga lalaking pa-fall……
Simple lang akong babae. Di naman ako ganun kaganda pero sa mata ng nanay at tatay ko syempre, maganda ako. Sa tingin ko naman hindi ako mahirap mahalin dahil lahat ng kababawan sa mundo, kaya kong tawanan. Mukha lang talaga akong masungit at oo minsan suplada ako or boses suplada. Kaya siguro wala pang nagkakamali. May mga kaibigan naman akong lalaki. Kaya ko naman makihalubilo kaso lang minsan di pa din ako sanay. 
Pero salamat sa iyo dahil kahit papaano, naranasan kong magkaroon ng kasama sa sinehan para manood ng horror movie (kahit hindi ako nanonood nyan). Salamat dahil hindi ko alam kung bakit kahit 10 pm, pupuntahan mo lang ako para humingi ng files para sa research paper mo eh pwede ko namang isend sa email mo. Salamat din kasi kahit na last minute na yung mga pinaparefer, pinupuntahan mo pa din. Salamat kasi sabi nila hindi ka daw mareply sa text pero kahit na paano, nagrereply ka sa akin. Salamat din kasi yung one Valentines date na yun na natraffic tayo, tapos nagmamadali pa tayong kumain dahil showing na pala yung papanoorin natin. Tapos natraffic ulit tayo at kwentuhan lang sa kotse mo. Salamat at nafeel ko din na pwede pala akong makaexperience ng ganun.
Kaso lang nung nagsisimula na akong mafall sa iyo, bigla ka namang nawala. Sa totoo lang, pinanghahawakan ko pa din yung time na ikaw ung unang kumuha ng number ko. Ikaw yung unang tumawag sa akin para ayain ako lumabas pero sa kasamaang palad di ako pumayag kasi may emergency ako. Yung fact na hindi ako ang unang lumapit sa iyo. Yun ang pinanghahawakan ko.
Sorry baka nakulitan ka sa akin kasi kahit magkaduty tayo, text ako ng text sa iyo. Sorry kung sa tingin mo, ayoko sa iyo kasi di kita pinapansin pag inaasar nila tayo. Sorry kung minsan nasaktan ka dahil parang feeling mo di kita pinapahalagahan. Sorry talaga kasi hindi ko alam kung nagsesend ka lang ng mixed signals sa akin. Hindi ganun kagaling ang pick-up ko sa mga ganyan. At kasi di ko alam sasabihin ko dahil hindi ko alam kung ano ako sa iyo. Kasi sobrang kinikilig ako na baka mahalata nila. Sorry late ko na narealize na sobrang gusto pala kita. Kung alam mo lang na sa bawat panahon na pupunta ka sa o.r. sinusulyap-sulyapan kita kahit busy ako. Sorry kasi baka naoverwhelm ka sa sobrang papansin ko, at sa sobrang kakulitan ko sa messenger at sa text. Sorry kasi baka nahurt ka sa akin. Kung alam mo lang na ngayon lang ako nagpakatanga ng ganito sa isang lalaki.
Sa lahat ng mga sorry ko sa iyo mukhang wala na yatang magagawa. Kasi ito yung pinakamasakit sa lahat…..
Yung gusto ko sanang maconfirm kung sino yung nasa cryptic posts mo sa FB tapos sinabi ko sa iyo yung nararamdaman ko kasi gusto kong maconfirm kung sino ba yun at para matahimik na din ako kaso lang wala kang pakialam. Ang sakit-sakit. Ni wala man lang pagpapaliwanag. Sabi mo lang na okay sige walang makakaalam nito. Sobrang sakit sa totoo lang. Nababaliw na ako dahil sa inaraw-araw simula ng sinabi ko sa iyo na gusto kita, hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ako makakain. Parang pinipilit ko lang na gumising sa umaga dahil kailangan ko. Hindi ko alam kung paano ko bibitawan yung pinanghahawakan ko. Kasi ngayon alam ko naang tanga-tanga ko. Ni hindi ko nga alam kung at one point in time, nagustuhan mo ba ako or pinilit mo lang yung sarili mo dahil sa pressure ng ibang tao.
Ngayon ako nagpromise sa sarili ko last day na ito para isipin ka. Susubukan kong mag-move on bukas. Kaso lang kakayanin ko kaya?
Hay ang hirap talagang mag-move on. Paano ba?”
Yes girl. Mahirap mag-move on. I feel you.
Random Thoughts:

“Cause I am barely breathing, I can’t find the air. Don’t know who I’m kidding, imagining you care. ‘Cause I could stand here waiting like a fool for another day. But I dont suppose it’s worth the price,the price that I would pay.”

Barely Breathing, Duncan Sheik
Kaya mo yan gurl. Konting oras lang makakasanayan mo din ulit ang bagay – bagay. 

Some Nobody.

So mga beks pano ba yan. 14 hours pa lang ang nakalipas pero may blog entry na naman. Haha.

Well, bakit nga ba yan ang title ko? Naisip ko lang. Dati akong wala lang pakialam sa mundo. Wala pang naachieve. Walang kwenta. Pero nakakaloka after my years of existence sa Earth, madami na din pala akong nagawa. Siguro 60% bad, 40% good (Kids wag tutularan). At sa mga pagkakataong yan, madami akong natutunan. Na kung dati kang nobody, puwede kang maging somebody na kahit hindi ka man naging presidente ng Pilipinas, sa sarili mong pagsisikap, nakatulong ka sa kapwa mo. 

Dati talaga, galit ako sa mundo. Sabi ko nga bakit ba ako hindi ginawang perpekto? Bakit hindi kami kasing yaman ng mga kaklase ko? Bakit hindi ko magawang masabi na, “Ma, bilhan mo naman ako ng cellphone kasi yung classmate ko meron na sila.” Hindi ko iyon magawa. Dahil middle class family lang kami. Tinuruan kami ng tatay at nanay ko na huwag sumunod sa uso. Kasi madalas hindi naman kailangan yun. Kaya hanggang ngayon na medyo nakakaangat na kami ng konti sa buhay (at nakakabili na ako ng sarili kong cellphone), hindi ko lubos maisip na bumili ng mga bagay na hindi ko naman kayang panindigan. Halos lahat nga ng kakilala ko may mga sasakyan na. Marunong magdrive. Siyempre kapag pumasok sa trabaho, nakachedeng ang iba. Eh wala akong pake. Magcocommute ako hangga’t gusto ko kasi ito lang kaya ko sa ngayon, hindi ko kayang bumili ng sasakyan tapos di ko pa pala kayang bayaran ang monthly fee…

Oh di ba?! Wow. Iba na pala ang way of thinking ko ngayon. Haha. Kung dati, hindi ako concern sa mga ganitong bagay dahil nga isa lang akong nobody pero ngayon, ang dami ko ng iniisip. In a few years time, kailangan ko na magtakeover sa gastusin sa bahay. At syempre hay #adulting sucks. Sa totoo lang. 

But that  is how life is. Taking over of responsibilities. From being a nobody, you become somebody to a once nobody. 

So ayun. Nagpapasalamat lang ako sa mga magulang at sa lolo at lola ko and sa lahat ng mga naging mentor ko magmula nung preschool ako hanggang sa nagtraining ako at hanggang ngayon. Hindi ako magiging taong may halaga kung hindi dahil sa inyo.

**Spontaneously writes what is inside my head. And nope, I am still not over about my ‘current’ issues. If you know what I mean. 😭
Random Thoughts:

Happy Father’s Day to one of the most patient man I have ever met. Thank you sa paghatid sa akin sa work kahit pagoda ka na minsan. Saranghae abeoji.

Meanwhile…

#NowPlaying

From Spotify. Something Better by The Ransom Collective


Tears.

Since wala namang nagbabasa nito, might as well pour out everything.

Sa sobrang kalungkutan ko ngayon, wala na akong pakialam sa mahabang pila sa Buendia sa bus kanina. Pagod ako, oo, pero yung kapaguran ko, hindi 100%. Nasa 25% lang. Kaya ko pa siguro magbasa ng ilang pahina sa libro. 

Sa tingin ko, nakakadepress isipin na ngayon pa lang nagsisink in ang katotohanan. Na tapos na ang lahat. Na sa tingin ko ay dapat na akong mag-move on. Ang hirap na umasa sa isang situation at sa tao na akala mo meron pa, yun pala wala na. Dahil iba pala ang preference nya sa buhay. Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaay.

Okay nawala yung train of thought ko.

Kung kaya ko lang sabihin sa kanya lahat ng naiisip ko. Kung pwede ko lang isulat dito. Kaso natatakot din ako kasi di ako sanay sa mga ganitong problema. What the heart cannot solve, the brain must have something in his pocket to fix it. Kaso kahit utak ko, wala eh. Dedma ang peg nya. Di naman lumalabas ang luha dahil siguro hindi pa ganun kalalim ang epekto. Pero hay.

Anyway, masakit pa din pero next page na tayo ng book ples.
Hahahahaha. Thanks daahhhling sa pagbabasa.
Random Thoughts:

Sharing a vlog from Lloyd Cadena:

https://youtu.be/4wZ96woN9Po
Please watch it. Ay ako lang pala. Papanoorin ko ito.

Malay mo, magawa ko din yan. 🙂

Pasensya na.

Pasensya kasi kung magiging walang kwenta na naman itong blog na ito.

Kung sabagay, mas madaming nagiging vloggers na ngayon kesa bloggers. No offense meant to all my vlogger idols. Pero yun kasi ang trending. Pero di ko naman keri sumabay dyan.

Pasensya na.

Kasi ito na naman ako. Nagmumukhang *toooooot*. Di ko maiwasan mga dahhhlinggg (shoutout to Lloyd Cadena!!!). Kung alam niyo lang yung pinagdadaanan ko ngayon, baka batukan niyo na lang ako sa ulo at sabihin na napakaGAGAAAAA ko talaga. 

Pasensya na ha.

Ganoon yata talaga. Matagal na din akong walang ganire kaya dyusmiyo pagbigyan mga beshieeee. Pero kung papayuhan ko itong sarili ko ngayon 10 years from now, sasabihin ko sa kanya na okay lang magpakaGAGA, wag ka lang magpakastupid sa pagsisisi na hindi mo nagawa ang mga dapat sana nagawa mo. May rason yan dahhhlingggg. There is always a reason behind everything that we are all going through. Kaya push mo lang yang mga #churva dyan. 

Pasensya na.

Kasi madalas may mga bagay na hindi ko masabi ng diretsuhan dito. Hindi naman ito Fast Talk ni Tito Boy kaya okay lang na walang diretsuhan. Gusto mo yan di ba? Oo gusto ko yan. Haha. May mga bagay na di kayang iexplain ngayon mga dir pero sooon. Parang Kim Sam Soon.

Pasensya na.

Well, I should say this to myself dahil for sure wala namang nagbabasa nito. *evil laugh* >:) 

Atey, mag-aral ka na. Anong petsa na? Napanood mo na lahat ng vlogs ni Lloyd, Wil, Baninay, Pam, Daniel, Chael.. Wala ng nangyayari sa buhay mo? Huwag mong ipasensya yang sarili mo dahil hindi mo madadaan sa kakanood ng kung anek-anek ang mga #feels mo. Kahit paulit-ulit kang manood ng Wildflower, di na ulit babalik si Jepoy hanggat hindi mo siya nakikita parang yang ano mo  okay hanggang dyan na lang baka may maispluk pa akong di dapat. Mag-aral ka na dir. Kung wala ka sa listahan, ganun talaga. Eh ang tamad mo nga eh kasi naman yung padasal mo di mo nagagawa kklk. Magtatampo sa iyo si Lord nyan anubey. Do not worry to much. Magwewaste ka lang ng time sa kakaalala mo sa mga bagay na hindi mo na dapat inaalala. Focus ka na focus!!!! (Me talking to myself dahhhlingg).
Okay pasensya na. Sabi ko na walang kwenta ito eh. Haaay just a means of saying things out loud in my mind.

Random Thoughts:

#NowPlaying

Constellations by Darwin Deez

“We are twinkling stars resurrected. Just like twinkling stars we seem connected.”

😦 😦 😦 😦 😦 😦 😦

15 minutes

Kinse minutos.

Ayan ang kaya kong ibigay sa sarili ko ngaun bago man lang matulog. Pahinga. Ng 15 minutes.

Ang hirap kasi ang daming tumatakbo sa utak ko ngayon.

Naghihintay sa resultang hindi mo naman alam kung anong kalalabasan. Hay ang hirap maghintay bes. Kahit na paulit-ulit kong sabihin sa sarili ko na okay lang ako, bahala na si Lord, ewan. Nababahala pa din ako. Pero tiwala lang sa Kanya. Di ako makapagconcentrate sa lahat ng mga binabasa ko. Nakakapraningggggelllaaaa.. Sa mga nakakakilala sa akin at naiintindihan ang pinagdadaanan ko, alam niyo na.

Tapos kahapon, may nakita pa akong hindi ko alam kung kelangan ko bang mapaisip o di ko na lang papansinin. Isipin or huwaaaag?! Huwagg or isipin?! Kasi unang silip ko palang, may pag-iisip agad. NKKLK. Di ko kayang di na lang pansinin. Gusto kong magsisi. Gusto kong magsorry? Sabi nga ni Justin Bieber, “Is it too late now to say sorry?” Saklap. Ang engot ko to the highest level. Hay. 😭 

Di niyo gets ano. Sorry po.

Nilalabas ko lang yung mga naiisip ko na hindi ko kaya sabihin. Kasi baka mabaliw na ako pag wala akong outlet. 

May 8 minutes pa akong natitira. Walong minuto. 7 na lang ngayon.
Sa bilis ng usad ng mga sandali, wala lang kwenta yung mga nasusulat ko. 
Random Thoughts:



Ito ang Betty Go Belmonte Station ng LRT 2 Line sa Pilipinas. Katulad ng nakikita niyo, walang tao. Baka may multo. Ganyan kasi yung brain ko ngayon. Walang laman kung hindi…. 🙂

Kabooooooom.
Charot.
Tapos na ang 15 minutes.