Huwag Na Lang Kaya?

Napakaperfect talaga ng timing ng adrenaline ko sa pagbablog. Ang daming oras ano pero ngayon pa napili ng brain ko na ipush ako para magsulat. Take note… Wala pang ligo-ligo yan. Katatapos ko lang kumain ng sandamukal ng chocolate at katatapos ko lang din magnood ng napakaintense na episode na Wildflower ngayon (#WildflowerPagtutol) at kasalukuyan akong nag-iisa at nagluluto ng kakainin ngayong hapunan. 

No… Di ako magnanarrate ng mga gagawin ko ngayon. Parang written daily video blog? Nooo.. Hindi…. Yan lang ang gusto kong intro. Wa kayo paks.

Naisip ko lang yung title na yan dahil sa totoo lang, yan din ang status niya noong mga nakaraang araw. Na ang kapal ko dahil istinatus ko din. Hahahahahahahahaha.

Pero hindi lang naman related sa lovelife ang pwedeng irelate dyan. Sa totoo lang, madami sa buhay ko ngayon ang naghehesitate ako. 

Sa dinadami ng mga hesitations ko, talaga bang ‘huwag na lang kaya’ ang peg ko? Hindi naman. Siguro, takot lang akong aminin ang mga bagay na tapos na. Tuldukan ang mga pangyayaring hindi na pwedeng maulit pa. Kasi kung para sa akin naman talaga iyon, para sa akin iyon. 
Ang gulo ng trend ng pinatatype ko dito ano? Kasing gulo ng utak ko. Ha Ha Ha. 

Kung hindi niyo lang alam, ang “Huwag Na Lang Kaya?” ay isa sa mga pinakapaborito kong kanta ng True Faith, one of the best 90s OPM band (Opo batang 90s ako). Isa ito sa mga kanta na light lang. Lalo na sa mga torpe dyan. Ilalight ko yung way nila para di na sila maging torpe. Ha Ha Ha Ha. Pero seriously, for me, I think it talks about the hesitations of someone to confess his/her feelings to a guy/girl that he/she likes. It takes courage to say it out there, out loud. Or the feeling just passes you by (Sabi ni Mareng Julia Roberts sa My Bestfriend’s Wedding, tama ba mga beshie?!). In terms of love, madami tayong experiences dyan. Lalo na sa nagbabasa nito Ako lang pala. Haha. Siguro minsan lang ako nagpakatapang. At alam ng mga friends ko iyon. Itanong nyo na lang sa kanila. Haha. Pero ganun naman talaga. In love, you’ll probably do the most craziest things and hesitate on the important ones.

Mahirap naman talagang maging strong and magkaroon ng sobrang daming courage sa mga ganitong pagkakataon. Hindi lang naman sa pag-amin ng nararamdaman pero sa mga ibang aspeto ng buhay, tulad ng pagtanggal ng mga bisyo. Pag-amin sa sarili na hanggang dito lang ang kaya mo. Na hindi mo kailangang patunayan sa ibang tao na iba ang estado ng buhay mo lingid sa totoong buhay isang kahig, isang tuka ka pala. Advise ko lang sa mga taong nagprepretend or naghehesitate magpakatotoo, girl, go lang. Di ka namin ijajudge. Stay true and don’t hesitate to be you. You only live once and stay genuine as possible.

People have so many hesitations in their life that sometimes they don’t know what their strengths are. They may have a lot of “Huwag Na Lang Kaya?” moments which I think makes them miss half of their life. Sabi nga lagi ni Wil Dasovich sa mga videos nya, gumawa daw tayo ng mga bagay na hindi pa natin nagagawa, every single day. I should tell this to myself too. Like in my face, STOP THE HESITATIONS!!! (Well, gurl, di na ako naghesitate dun sa isang bagay pero yung iba….okay gurl sige).

So ayun, ikaw ba, nasabi mo ba sa sarili mo na, “Huwag Na Lang Kaya?”

Random Thoughts:

May tanong ako.
Mais ka ba?

Kasi ano…..
Ang corn-y mo.. 
Boooom. Waley.

Advertisements

Goal Setting.

Marami tayong mga gustong gawin. Gustong matupad. Gustong makuha. Gustong… Ah basta madami tayong gusto. Minsan may mga bagay na masyado tayong nagiging ambisyosa’t ambisyoso. Dapat matapos ito, matapos yan kung hindi maiinis ka. O di ba, perfectionist.

Oo hindi naman masama mangarap. May free will ka naman para magdesisyon ng mga gusto mong abutin. Kaso lang madalas, akala natin tama iyong mga tinatawag nating, “goals”. May mga bagay na minsan, inaabot natin dahil gusto din itong maabot ng iba. May pagkacompetitive syempre. Naranasan ko na yan. Syempre, laging akong pinepektus noon, ngayon naman, aba natuto na ako. Ako na ang pumepektus. Kasi andoon na yung self-confidence na tinatawag eh. Ayan na siya. Unti-unting mararating kalangitan at bituin, unti-unting kinabukasan kooooo’y magnining-ning.

Ayy ano ba yun. Kumanta? Bored? Haha. Okay to continue. May mga goals tayong minsan feeling natin mahirap talagang abutin mga atey. Madalas give up ka na talaga. Or dumadating sa buhay na, “Ayokoooo naa. Quit na ako.” Yung bestfriend kong si Nemi, laging nagagalit yan sa akin pag naririnig nya yan. Ang favorite nyang line, “Eh di magquit ka. Kung dyan ka masaya, eh di gawin mo. Kaso lang pag ginawa mo yan, wala ng balikan ha?!” Grabe ang reverse psychology nya over oveeeerrrrrr!!! >:)

Totoo naman. Ang pagseset ng goal ay dapat ready ang buong katawan mo. Hindi lang puso at isip. Kung hindi buong katawan! Kasi kung puso lang, wala na. Pag naging emotional ka na, tapos na ayawan na. 

Yung goal ko ito na o. Ang lapit – lapit na!!! Dyusmiyoooo… Konting buwan na lang, magsisimula na ako para sa isang goal na dapat matapos ko. 

Kaya mga kasama este ako lang pala, kayanin mo ang lahat. Konting buwan na lang matatapos na ang masasayang araw mo. >:) Mababawasan na ang social life mo pero okay lang. Para sa hinaharap. Kaya go lang!!!