How To Go On With Your Life If It Has Been All Sh*t?

Here is a post from someone.. 😦

“For the last time.. Hopefully… I have a confession to make…
Una sa lahat, gusto ko lang sabihin na nakakabuwisit lahat ng mga lalaking pa-fall……
Simple lang akong babae. Di naman ako ganun kaganda pero sa mata ng nanay at tatay ko syempre, maganda ako. Sa tingin ko naman hindi ako mahirap mahalin dahil lahat ng kababawan sa mundo, kaya kong tawanan. Mukha lang talaga akong masungit at oo minsan suplada ako or boses suplada. Kaya siguro wala pang nagkakamali. May mga kaibigan naman akong lalaki. Kaya ko naman makihalubilo kaso lang minsan di pa din ako sanay. 
Pero salamat sa iyo dahil kahit papaano, naranasan kong magkaroon ng kasama sa sinehan para manood ng horror movie (kahit hindi ako nanonood nyan). Salamat dahil hindi ko alam kung bakit kahit 10 pm, pupuntahan mo lang ako para humingi ng files para sa research paper mo eh pwede ko namang isend sa email mo. Salamat din kasi kahit na last minute na yung mga pinaparefer, pinupuntahan mo pa din. Salamat kasi sabi nila hindi ka daw mareply sa text pero kahit na paano, nagrereply ka sa akin. Salamat din kasi yung one Valentines date na yun na natraffic tayo, tapos nagmamadali pa tayong kumain dahil showing na pala yung papanoorin natin. Tapos natraffic ulit tayo at kwentuhan lang sa kotse mo. Salamat at nafeel ko din na pwede pala akong makaexperience ng ganun.
Kaso lang nung nagsisimula na akong mafall sa iyo, bigla ka namang nawala. Sa totoo lang, pinanghahawakan ko pa din yung time na ikaw ung unang kumuha ng number ko. Ikaw yung unang tumawag sa akin para ayain ako lumabas pero sa kasamaang palad di ako pumayag kasi may emergency ako. Yung fact na hindi ako ang unang lumapit sa iyo. Yun ang pinanghahawakan ko.
Sorry baka nakulitan ka sa akin kasi kahit magkaduty tayo, text ako ng text sa iyo. Sorry kung sa tingin mo, ayoko sa iyo kasi di kita pinapansin pag inaasar nila tayo. Sorry kung minsan nasaktan ka dahil parang feeling mo di kita pinapahalagahan. Sorry talaga kasi hindi ko alam kung nagsesend ka lang ng mixed signals sa akin. Hindi ganun kagaling ang pick-up ko sa mga ganyan. At kasi di ko alam sasabihin ko dahil hindi ko alam kung ano ako sa iyo. Kasi sobrang kinikilig ako na baka mahalata nila. Sorry late ko na narealize na sobrang gusto pala kita. Kung alam mo lang na sa bawat panahon na pupunta ka sa o.r. sinusulyap-sulyapan kita kahit busy ako. Sorry kasi baka naoverwhelm ka sa sobrang papansin ko, at sa sobrang kakulitan ko sa messenger at sa text. Sorry kasi baka nahurt ka sa akin. Kung alam mo lang na ngayon lang ako nagpakatanga ng ganito sa isang lalaki.
Sa lahat ng mga sorry ko sa iyo mukhang wala na yatang magagawa. Kasi ito yung pinakamasakit sa lahat…..
Yung gusto ko sanang maconfirm kung sino yung nasa cryptic posts mo sa FB tapos sinabi ko sa iyo yung nararamdaman ko kasi gusto kong maconfirm kung sino ba yun at para matahimik na din ako kaso lang wala kang pakialam. Ang sakit-sakit. Ni wala man lang pagpapaliwanag. Sabi mo lang na okay sige walang makakaalam nito. Sobrang sakit sa totoo lang. Nababaliw na ako dahil sa inaraw-araw simula ng sinabi ko sa iyo na gusto kita, hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ako makakain. Parang pinipilit ko lang na gumising sa umaga dahil kailangan ko. Hindi ko alam kung paano ko bibitawan yung pinanghahawakan ko. Kasi ngayon alam ko na na ang tanga-tanga ko. Ni hindi ko nga alam kung at one point in time, nagustuhan mo ba ako or pinilit mo lang yung sarili mo dahil sa pressure ng ibang tao.
Ngayon ako nagpromise sa sarili ko last day na ito para isipin ka. Susubukan kong mag-move on bukas. Kaso lang kakayanin ko kaya?
Hay ang hirap talagang mag-move on. Paano ba?”
Yes girl. Mahirap mag-move on. I feel you.
Random Thoughts:

“Cause I am barely breathing, I can’t find the air. Don’t know who I’m kidding, imagining you care. ‘Cause I could stand here waiting like a fool for another day. But I dont suppose it’s worth the price,the price that I would pay.”

Barely Breathing, Duncan Sheik
Kaya mo yan gurl. Konting oras lang makakasanayan mo din ulit ang bagay – bagay. 

Advertisements

2 Replies to “How To Go On With Your Life If It Has Been All Sh*t?”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s