Some Nobody.

So mga beks pano ba yan. 14 hours pa lang ang nakalipas pero may blog entry na naman. Haha.

Well, bakit nga ba yan ang title ko? Naisip ko lang. Dati akong wala lang pakialam sa mundo. Wala pang naachieve. Walang kwenta. Pero nakakaloka after my years of existence sa Earth, madami na din pala akong nagawa. Siguro 60% bad, 40% good (Kids wag tutularan). At sa mga pagkakataong yan, madami akong natutunan. Na kung dati kang nobody, puwede kang maging somebody na kahit hindi ka man naging presidente ng Pilipinas, sa sarili mong pagsisikap, nakatulong ka sa kapwa mo. 

Dati talaga, galit ako sa mundo. Sabi ko nga bakit ba ako hindi ginawang perpekto? Bakit hindi kami kasing yaman ng mga kaklase ko? Bakit hindi ko magawang masabi na, “Ma, bilhan mo naman ako ng cellphone kasi yung classmate ko meron na sila.” Hindi ko iyon magawa. Dahil middle class family lang kami. Tinuruan kami ng tatay at nanay ko na huwag sumunod sa uso. Kasi madalas hindi naman kailangan yun. Kaya hanggang ngayon na medyo nakakaangat na kami ng konti sa buhay (at nakakabili na ako ng sarili kong cellphone), hindi ko lubos maisip na bumili ng mga bagay na hindi ko naman kayang panindigan. Halos lahat nga ng kakilala ko may mga sasakyan na. Marunong magdrive. Siyempre kapag pumasok sa trabaho, nakachedeng ang iba. Eh wala akong pake. Magcocommute ako hangga’t gusto ko kasi ito lang kaya ko sa ngayon, hindi ko kayang bumili ng sasakyan tapos di ko pa pala kayang bayaran ang monthly fee…

Oh di ba?! Wow. Iba na pala ang way of thinking ko ngayon. Haha. Kung dati, hindi ako concern sa mga ganitong bagay dahil nga isa lang akong nobody pero ngayon, ang dami ko ng iniisip. In a few years time, kailangan ko na magtakeover sa gastusin sa bahay. At syempre hay #adulting sucks. Sa totoo lang. 

But that  is how life is. Taking over of responsibilities. From being a nobody, you become somebody to a once nobody. 

So ayun. Nagpapasalamat lang ako sa mga magulang at sa lolo at lola ko and sa lahat ng mga naging mentor ko magmula nung preschool ako hanggang sa nagtraining ako at hanggang ngayon. Hindi ako magiging taong may halaga kung hindi dahil sa inyo.

**Spontaneously writes what is inside my head. And nope, I am still not over about my ‘current’ issues. If you know what I mean. 😭
Random Thought:

Happy Father’s Day to one of the most patient man I have ever met. Thank you sa paghatid sa akin sa work kahit pagoda ka na minsan. Saranghae abeoji.

Meanwhile…

#NowPlaying

From Spotify. Something Better by The Ransom Collective

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s