In The Gray Zone

Fvvhkkkkkkkkkk.

 

Nabura yung supposedly entry ko dito dahil sa hayoook na picture sa babaaaaa.

Grrrr… Grabe naman kasi ang bilis namang magsave ni WP. Haha.

Woaaah.. Nagulat ba kayo kasi nagupload na naman ako ng blog after 5 years? Ay wala nga palang nagbabasa nito so ako lang nagulat. Magmomonologue na naman ako.. Hahaha

So ayun nga. Sa dinadami – dami ng nangyari sa akin ngayong nakalipas na limang taon, madami akong natutunan. Tulad ng sinabi ko doon sa pesteng nabura kong entry (ay ako lang pala nakakaalam bwahahaha), ito ang mga realizations ko:

1) Life is short

2) Always be prepared for everything.

At idagdag ko,

3) Do not feel inferior.

4) Never. Ever. Quit. (Kahit madalas gusto mong gawin)

5) Be a better version of yourself.

Ayan.

Sa tagal kong hindi nagblog yan ang mga natutunan ko.

So bakit nga ba nagiging gray zone ang life ko ngayon??

Well, dyusmiyoo. Sensya na po. Noong weekend, may nangyari sa aking hindi naman karumal-dumal, pero first time ko maexperience. Isang kapitbahay ang sinubukan kong isalba dahil naghihingalo na dahil sa malubhang karamdaman, at pagdating namin sa emergency room, lahat na ng paraan ginawa ngunit huli na ang lahat. Doon ko narealize na grabe, ang ikli ng buhay. Pero sa buhay ko ngayon, tama ba itong ginagawa ko? Meron ba akong nadudulot na maganda dito? Eh ang salbahe ko naman, tapos ang sungit ko pa, so ano pa? Hahahahahaha.

Pero ayun nga. Madami kasi akong gustong gawin. Sobrang career woman na ako, lahat na ng raket pinatos ko (connected sa propesyon ko okay hindi yung mga toot). Sa kakanood ko ng vlogs recently, gusto ko na din maging vlogger (kaso lang baka maloka sila sa peys ko).

Hi pala sa mga finofollow kong vlogs (Wil Dasovich, Baninay Bautista, Pamela Swing, Mickey Bustos, Lloyd Cadena). 🙂 

Gusto ko din mag-indulge sa business, gusto ko matuto magdrive at mag-uber na lang dito sa amin. Gusto ko na lang mag-ibang bansa at doon mag-aral pa ng kung anek-anek. Gusto kong magtravel ng magtravel. At syempre gusto ko na magkajowaaaa.

 

Kaya nga sa ngayon, nasa gray zone ako. Kasi I am at this point of my life were I do want to achieve everything since I almost missed it due to 4 years of traininggg. It is still a great deal to a person like me to plan your life ahead. But I was thinking, God designates the greatest things to the very best of us. So I guess, I have to trust him. I love spontaneity but somehow planning makes some directions to where I will go to. Buuuttt still, God is the greatest planner.

So di ko alam kung saan ako paroroon sa buhay kong ito pero one thing is for sure – – I want to color this gray area in my life using all the crayons in my hand.

Boom.

 

Ayun na. Pak.

Random Thoughts:

Ayan. Nagbabalik na ang mga random chuvanesss. Ito ang unang pic na nakita ni google (at dahil dito kaya nabura ang una kong tinayp.-_-).

This represents my life today. Blah.

image

Salamat ng marami sa picture na ito na hindi sa akin nanggaling. Salamat Mr. Google. You know my thoughts well. Char.

Link: http://grryo.com/2015/02/second-start/

Advertisements