A Letter To A Friend

I know, I know.

Oo alam ko. Matagal na akong walang liham. Makaliham ah. Lalim dre. Busy ako anong magagawa ko? Haha.

Okay isa itong letter sulat liham para sa isang kaibigang napalapit din sa akin nito lang pero minsan di ko alam kung bakit may ibang parte ng personalidad niya na di ko maispel.

Dear Charo Friend,

Alam ko wala kang ideya na ikaw ‘to. Pwes magdusa ka. Bwahaha. Pero seryoso, gusto ko ikaw mismo makaalam na ikaw nga itong tinutukoy ko. (Ang labo ha. Pano kaya yun?)

Ang pagkakaibigan natin ay nagsimula sa isang “unexpected” na pamamaraan. Pero ayun, mahirap kilalanin ang isang tao ng di pa kayo gaanong nagkakausap pero alam ko, iba yung sa’yo. Kasi nag-click na tayo umpisa pa lang. Dumaan ang mahigit isang taon, ang mga buwan na para bang napapansin ko may di magandang pakiramdam dahil nakita ko kung paano ka magtrato ng kaibigan.

Sige tawagin niyo na akong martir pero hangga’t kaya ko, kahit wala pa akong tulog, kung alam kong may kailangan ang isang kaibigan, pupunta ako doon. I know I shouldn’t expect something from anyone but still I would be a fool. Bakit istupida? Kasi kahit papaano naghihintay akong gawin mo din yun sa akin bilang isang kaibigan. Kaso lang iba yung sa iyo. Grabe bente-kwatro oras akong walang tulog tapos nung akala ko sasamahan mo ako sa aking lakad biglang hindi pala?! Sabi mo may aasikasuhin ka so sige okay lang sa akin kasi mukhang family related. Siyempre pamilya muna bago ang friends.

Tapos ito na naman, parang tangna naman. Kelangan laging angat ka? Kahit sabihin mong hindi, pero iba sa ginagawa mo?! Katulad ng mga walang kwentang bagay sa internet. Nabubuwisit ako minsan puro notifications ng mga walang kwentang bagay ang nakikita ko sa phone ko. Oo aaminin ko, naadik din ako sa mga walang kwenta sa jinternet pero alam ko naman na ngayon kung ano ang tama at hindi. Hindi tamang pagtuunan ang isang bagay na wala namang dulot sa hinaharap. Ayoko lang sa taong sobrang hayok sa pagkaanimal instinct. Gusto laging angat, gusto laging panalo pero kabaligtaran ang sinasabi sa’yo na, “Ay di na nga, busy kasi ako kaya di ko na nagagalaw ang internet.”Ahh busy pala pero tangna ikaw lagi ang laman ng notifications ko.

Ang pinakahuli nito lang. Oo mukha na akong false modesty sa twitter pero gosh aminin mo na lang na oo magaling ka. Hindi yung parang nagmukha akong tanga. Bakit? Kasi akala ko nung sinabi ko sa iyo yung situation ko, parang sinabi mo pa na oo mas magaling pa nga daw ako. But wait, wait, there’s more!!!! Malaman-laman ko yung sitwasyon mo, biglang ikaw naman pala ang nakakaangat. I mean damn. Tapos ngayon ang dami mong dahilan ek ek. Wala namang problema sa akin kung magaling ka kasi alam ko naman yun. At ako sa sarili ko alam ko di ko nabigay yung lahat ng kaya ko. Pero kapag sinabi ko naman na nakakaangat ako, sasabihin ko naman kasi totoo naman yun. Kaso lang brad, parang katulad mo yung mga kaklase ko nung kolehiyo kapag may exam kami. Pag tatanungin mo kung nakaaral, sasabihin nila, hindi nga sila nakapagbasa pero tangna perfect ang quiz, at makikita mo ang mga handouts at libro highlighted na, may underline pa?!

O di ba?! Alam ko mababaw ito pero kaloka, madami ka na ding strike sa akin. Pinapagbigyan kita at di ko naman inaamin sa sarili ko na isa kang matatawag na fair-weathered friend nung una kasi alam kong hindi. I tried to let myself to give you a chance but this is the nth time and I’ve proven myself wrong. Painful as it is but gradually, I have to be with a TRUE friend. True, meaning no pretentions. Ayoko sa taong andyan lang pag kailangan ka, tapos pag wala ni hindi ka niya papansinin. Hindi naman ako nangangain ng tao kapag nalaman kong nakakaangat sila sa akin. I have suffered enough disappointments in my life and I know how it feels. I appreciate greatness but I appreciate humility more if not abused.

Sana mahulaan mo na ikaw ito, di ko lang alam kung mababasa mo pero bahala na.

Hello goodbye ang drama ko.