Jeepney

Paalala: Kanina pa itong entry na ito. Tragis naman kasi ang jinternet. Jalang jwenta.

———————————————
Ito na naman ako.

Late na naman at kasalukuyang naghihintay sa jeep. Sa katunayan, dalawang oras na akong late. Sarap kasi pag de aircon de bentilador ka sa gabi. Ayan, sakto 8 oras ang tulog ko.

Kakaloka ha. Jeep ang topic pero. Napunta sa tulog? Grabe ang train of thoughts. Train talaga? Toroy.

Ayun. Di naman kasi ako marunong magmaneho at magmanipula ng kambyo kaya nagtitiis ako sa de latang sasakyang itey. Nakakatuwa kasi kahit na mga pasahero lang kayo sa jeep o dyip, mapapansin o maririnig mo ang kakapiranggot na kwento ng buhay nila. Meron akong nakakasakay madalas dito sa amin. Wish mo lalaki ano? Wit ateng, witembang. Magkatrabahong bekimon at girlalu. Di ko mawari sa uniporme nila kung sa salon, spa o klinika sila nagtatrabaho. Kasi naman naka-scrub suit. Kaloka. Akala ko pang-hospital lang yun. Di pala. Yung kaibigan ko nga dati, hiyang-hiya kapag nakascrub suit sa jeep baka daw mapagkamalan siyang taga-salon. Sabi ko na lang, ayaw niya nun multitasking. Ha? LOL.

Meron naman akong nakasakay dati, naloka ako teh. Superwoman! Bitbit ang 4 na maliliit na anak yung isa sanggol pa na karga niya. Tapos parang nakawala sa hawla mga anak niyo! Winner! Buti na lang kabog pa din ang byuti ni ate at keri niya infer.

May nakasakay pa ako na naku kakaloka ng bonggels!!!! Akala ko magnanakaw ang mga hitad. Paano, alam kong magkasama ang dalawang mamaskels na lalaki tapos pagkasakay sa jeep, magkahiwalay ang inupuan, ehhh ang luwag – luwag sa loob pwede pa ako magtumbling doon. Tapos naman ang eye contact at synchronization ng moves, tinalo pa ang UAAP CDC Competition. Kaya sabi ko sa sarili ko, kanfhurrmed. Magna ang mga itey. Magnanakaw. So buti na lang bumaba yung mag-ina/mag-lola/mag-tita na kasama namin sa jeep, sumabay na akez at dali-daling sumakay ng taxi.

May mga magkakabarkada naman na ang peg eh parang nakalunok ng speaker sa lakas ng kwentuhan nila sa jeep. Ay, ang lakas makafeel at home ah. Sige kayo na. At least nalaman ko ang mga chika ng mga jowaers niyo sa buhay. Langheya.

Ayy pero kakaloka ah. May isa akong nakatabi, yung cellphone niya, kakaloka lang. O siya sige may mp3 player na yang celpon mo ikaw na talaga, IKAW NA! Galit? Ako? Di naman. Gusto ko lang siyang regaluhan ng earphones kahit yung tigsisingkwenta lang para naman magbigay ng hustisya sa mga natutulog na pasahero na bongga ang paglalaway at acrobatics ng ulo habang natutulog. 🙂

Ayan lang naman yung mga madalas kong nakakasalamuha. Wow salamuha. Lalim dre. Haha. Pero pinakamadalas diyan yung mga tatahi-tahimik na kagaya ko. Nagmamasid. Nag-aabang. Ng ano? Ng pogi? Ay siyempre kasali na yan. Nangchecheck kung sino ba ang tinetext ni katabi. O kaya yung tipong pag nasa expressway na, tumitingin sa malayo aka umeemo. Shoroy tologo!

Ayun. Ang saya-saya ano?! Kaya lika ka na at gorabels na tayey sa jeep!

Random Thoughts
Wala gusto ko lang magpost ng kung anek-anek. Ang unang masearch ni Sir Google yun ang ipopost ko. Para fun! 🙂

20120929-194450.jpg

Special thanks for the picture above: http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/Intermediate_Thematic_Lesson/Lessons/Pabahay/dyip.jpg

Mabuhay!

Happy minutesary!

Char.

Kakagawa lang ng blog may -sary kaagad? Asyumera.

Well, hello there.

Di ko lang alam pero malamang alam ko na madami ako lang nagbabasa ng blog na ito. Okay lang. Masaya naman magmonologue paminsan-minsan. Charot.

Madami na akong nagawang blogs pero wala pa halos nagbabasa at yung iba di ko na nauupdate dahil…. Well, busy ako. Excuses.

Pero I’ll make this one light and simple. As in magaan at simple. Tinagalog lang lol.

Sisimulan ko sa pagsheshare ko ng aking napakagulong hinaharap. Oy, hindi boobs yan ah. Hinaharap as in futuree ateng.

Magulo in a sense na, magulo ang utak ko sa pagdedesisyon. Naks ang seryoso naman. Tisyu ples. Ay how cheap, kleenex na nga. LOL.

Ang hinaharap ko ay kasalukuyang walang direksiyon. Paano lahat naman kasi ng mga gusto ko sanang gawin, yung iba ayaw naman nila mudra at pudra. As in WTFH, life sucks. Syempre dahil mabait akong anak, go sunod lang kahit parang minsan di na ako masaya. Kklk.

Sabi nga ng aking senyores, piliin ko yung talagang magiging masaya ako, dahil itong hinaharap ko, gagawin ko yan habang buhay. Walang kyeme-kyeme. Walang echos, eklavu. Pak ayun na. Tengene naman anong advice yun ah. Chooos.

So ayun.

Ang hirap talaga! Minsan nga naisip ko, isama na lang ako ni Dolphy sa kinalalagyan niya kaso lang baka di pa kumpleto qualifications ko at ibagsak ako somewhere down there. I don’t likeee!

Okay. Basta piliin niyo lang ang makakapagpasaya sa inyo at magiging okay na ang hinaharap. Ipagdasal lang ng ipagdasal.

Go!

Fighting!

Random
Wala gusto ko lang magpost ng kung anek-anek. Ang unang masearch ni Sir Google yun ang ipopost ko. Para fun! 🙂

“The future belongs to those who believe in the beauty of their dreams.”
– Eleanor Roosevelt

Salamat Ms. Roosevelt!