Sa Buhay Mayroong Isang Minsan…

Taraay ng title.. Pero actually, yan ang unang pumasok sa isipan ko. Time check: 11:41 pm na. Di pa din natutulog ang buong katauhan ko. Yung mata ko, gusto ng pumikit, pero napili ng mga kamay kong magsulat muna ng isang makabuluhang blog. 

Nakanamaaaaaan… 
Pero seriously… Napasulat na naman ako dahil naisip ko na naman siya. Dahil biglang sumingit ang anino niya from my side glances noong isang araw. Nakakaloka lang. Kasi bumalik na naman yung mga siguro 30 to 40% ng #feels. Akala ko okay na ako after 3 months. Hindi pa pala..

Hindi ka pala talaga mabilis umusad lalo na kung sobrang apektado ka sa mga bagay – bagay. Napapaisip kung sana ba ginawa ko ito noon, mas okay kaya? Kung di ba ako naghesitate, mas okay kaya?
Sa buhay, may isang minsan na sana hindi ka nagalinlangang gawin. May mga oras na dapat hindi mo sinayang. Pero may isa din minsan na siguro may dahilan ang lahat. Pero kahit may dahilan pa din ito, hindi ko pa din matanggap. Na minsan di naman mahirap tanggapin sa sarili mo na nagpakatanga, nagpaka-ogag ka dun. Pero siya ni minsan walang tsek yung mga sagot ko sa kanya.
Ayun lang. Short but sweet naman ika nga nila. I hope this ends na. My other self: sana magbago na yung #feels nun. 

Random Thoughts:

Credits to Peso Sense @ FB


Advertisements

Downtown SK.

SK. As in South Korea. Yessss… At this point in my life (naaaaksss), nahilig pa ako sa mga ganire. Sa music (Not really into Kpop.Sorry Kpop fans), dramas, food, fashion. Wala lang parang I wanna live there dahhhlingggg…

Bakit? Hindi ko naman planong magpaplastic surgery enebeeee (Hindi ko naman ginegeneralize lahat mga bes na mahilig silang magparetoks. Wag magalit mga tehhhh). Pero there is something about the Koreans that I adore. Like the simplicity of their dramas which I emphasized on one of my blog entries here. 

Dahil ayokong maging paulit-ulit na sa mga Korean dramas baka masapal niyo na ako. 😀

So here are some of the South Korean stuff that I love. ❤

Music.

Lee Ji Eun/IU

Isa siguro sa mga bagay pa na naappreciate ko sa kanila ay yung music nila. Iyan yung nakita ko sa music ni IU or also known as Lee Ji Eun.

Una ko siyang nakita sa Moonlovers: Scarlet Heart Ryeo (dahil nga sa kdrama addiction ko ng bonggaciousssssss with so many S dahhhlingggg). Tapos siyempre search ng konti sa Wikipedia. Tapos check ulit sa mga social media sites ng mga comments. Akala ko mapakla kumanta itong IU kasi iba yung kanta nya doon sa isang scene sa SHR. Teka screencap ko nga.

 
Ayyy sareee guyss. Ito lang nakuha kong picture. Pero ito yung suot si IU doon sa scene na yun. Little did I know na grabe sa kahayukan ang talent nito. Aside sa pagiging actress, composer, singer, producer did ang lola niyo. I came across her albums and she really is a good singer.

My favorite songs from IU are as follows:

1. Friday – One of her feel good songs that as far as I have researched, IU composed. Much better than her previous songs (in my opinion. Kasi I am more of an indie/alternative rock girl). Kaya number 1 sa listahan ko ito.

Credits to Loen Entertainment, 1theK, Fave Entertainment, Youtube


2. Not Spring Love Or Cherry Blossoms – One of the collaborations that I know which has a light feel. Walang nega vibes. Basta chill lang. Very good ang tandem niya with High4. Same #feels with Friday so approve na approve sa akin.

Credits to Loen Entertainment, 1theK, Fave entertainment, Youtube


3. Through the Night – Ito talaga yung song na relatable ako. Hindi ko talaga nagegets yung lyrics (kasi naman Korean mga teh). Pero the way she sang really it hit me big time. Ganun siya kagaling maginterpret ng song. Kahit ako na international fan na hindi nakakaintindi ng Korean ay naramdaman yung gusto niyang iparating. Itong song na ito ay kasama doon sa album niya na lumabas months after her break-up with her boyfriend, Jang Ki Ha, for 2 years. Kaya #sadface talaga.

Credits to Loen Entertainment, 1theK, Fave Entertainment, Youtube


Among her albums, Modern Times, Chat-shire, Palette and her very recent remake album, Flower Bookmark 2, were the ones I listened to so far. And all I can say is that it was a superb product of IU & Co.’s hardwork. 

Kaya I will always and forever be a Uaena (a name for an IU fan). 

Kaya wakopaks kung sabihin niyong may pagkajejemon ako or ang jejemon nitong entry ko. Haha. IU’s music is not your ordinary Kpop music.
EXO’s Baekhyun and Bae Suzy

I just discovered this collaboration randomly while browsing through IU’s songs on YouTube. Their song, Dream, is a collaboration by Miss A’s Suzy and EXO’s Baekhyun. My take on this song: it is about a couple who gets to fall in love with someone eventhough her partner’s been lying to her. She doesn’t care as long as she will make him believe about the love they have for each other.

Credits to SM Ent., JYP Entertainment, Mystic Entertainment, Youtube


There. Sa ngayon, yan yung mga eargasms ko on Korean music. I still have to search for more good, quality music that is not actually not too Kpop-y.

Food

Sa sobrang pagkaobsess ko na sa South Korean stuff, pati pagkain nila, gusto ko na tuloy tikman ng bonggaaaaaa.

Of course sa lahat ng Korean food na dumating dito sa Pilipinas simula ng natamaan tayo ng Hallyu wave, ang Bonchon na yata ang una kong napuntahan na Korean restaurant.

Di ko pa talaga nakakainan lahat pero ito yung mga napuntahan ko palang:

1. Bonchon – Isa sa mga favorite ko dito ay yung Japchae. According to Wikipedia, ang Japchae daw ay, “stir-fried glass noodles and vegetables is a sweet and savory dish popular in Korean cuisine.” So samakatuwid, parang pansit dito.

Credits to BonChon Philippines website


 wala akong makitang solo meal picture ng Japchae from Bonchon kaya ito na lang. He He He.

2. Red Table – Isa sa mga Korean restaurants na sobrang kinaadict-an ko lalo na nung nakatira pa ako sa Sampaloc, Manila. Madami akong favorite dito, yung Original Ramyun, lahat ng Gimbap nila at Bibimbap. Saraaap.Check niyo na lang kay Mr. Google yung meaning ng mga gimbap eklavu.

Credits to Zomato.com, Red Table

Sorry kung picture lang menu itong napost ko. Ha Ha Ha. 

3. Don Day Korean Buffet – ito lang yung natikman kong samgyeopsal buffet na kahit ilang beses na ako paulit-ulit, walang sawaan itooooo. According to Travelgluttons.com, ang literal meaning daw ng Samgyeopsal ay, “three (삼) layered (ê²¹) flesh (살)”. It is like your regular bacon only cut much thicker.”

Credits to Zomato and to the owner of this pic (Aby Simbulan)


4. Hobing Korean Dessert Cafe – Simula nung naintroduce ng friend ko ang Bingsu, a Korean dessert, nagcrave na talaga ako dito. Isa sa mga favorite ko ay iyong Injeolmi Bingsu. Sabi ulit ni Wikipedia, Injeolmi means, “Injeolmi is a variety of tteok, or Korean rice cake, made by steaming and pounding glutinous rice flour, which is shaped into small pieces and usually covered with steamed powdered dried beans or other ingredients.” Sobrang ibang ‘high’ yung dala ng bingsu sa akin. Grabe talaga…

Credits to Zomato and to the owner of this pic (Kay)


5. Ice creams – Well, well, well. Ang mga favorite ko ay yung fish ice cream na tinatawag. Hindi siya gawa sa isda. Ha ha ha. Korteng fish kasi siya kaya cute lang ng design at masarap din kahit na may red bean sa loob.


Madami pa akong di natitikman actually. Pero I would love to try their street foods which I only see in Korean dramas. 🙂
Fashion

Sa tingin ko, kung kasing payat lang ako ng mga female Koreans, baka kakasya yung mga damit nila sa akin. Pero nevertheless, one thing that I’ve discovered is Etude House and their BB Cream.

Sa ngayon yan palang yung nadiscover ko about South Korean food, fashion, music and entertainment. I would love to go and visit the country someday and try the authentic South Korean life. I’d love to blog about that soon.

Tiis muna tayo sa mga andito sa Pinas. Tutal na invade na din tayo somehow ng Koreans. Ke Ke Ke.
Random Thoughts:

Dahil Korean ang peg ko sa aking blog (Sorry medyo Taglish yung blog. Para mas personal at di masyadong rehearsed. At wakayopaks. :p), here are lines from the song Sleepless Rainy Night by IU from her new album, A Flower Bookmark 2:

“Outside the window, rain is falling and my heart feels sad for no reason. I can’t comfort my heart on this sleepless night.”

Hindi naman umuulan pero my heart feels sad for lots of reasons. Pero sabi nga ng mga Koreans kapag kelangan nila ng encouragement, Aja! Fighting! #hugotpamore

Trust. Hindi po condom. Tiwala.

Paano nga ba pananatilihin ang tiwala?

Sa Ingles, trust.

Mahirap lalo na kung bago mo pa lang kakilala. Pero mas mahirap yung ibalik ang tiwala sa isang kaibigan.

Masasabi kong sa tinagal-tagal kong nabubuhay na dito sa mundong ibabaw, naniniwala pa din ako sa kasabihan ni Gregory House na, “Everybody lies.” Totoo yan. Sa panahon ngayon, medyo mahirap talagang magtiwala. Ewan ko ba kung naiimpluwensyahan lang ba ako ng zodiac sign ko na Cancer. Ang mga Cancer-ian daw ay hirap magtiwala. Kaya madalas, medyo cautious kami sa mga taong nakapaligid sa amin. Sa kaso ko, madali akong pakisamahan. Mukha lang hindi. Kapag nakagaanan kita ng loob, hihintayin ko muna yung tamang panahon para sabihin sa sarili ko na pupuwede na kitang pagkatiwalaan. Once na naibigay ko yung trust ko, I could tell you almost anything about myself (well, the things that I wanted to share). I value my loyalty and trust to my friends. Kasi ganun ako. Kung may kailangan ka, kahit na busy ako, susubukan kong tulungan ka sa abot ng aking makakaya.

Trust issues. Madami ako nyan inaamin ko. Siguro naman yung iba sa inyo ganun din. Napaka. As in NAPAKAtagal bago ko ulit maibigay yung tiwala sa isang tao. Lalo na kung harap – harapan mo akong ginagago. Oo gullible ako. Pero sa oras na malaman ko na niloloko mo ako, ay burado ka na sa listahan ng mga kaibigan ko. Harsh di ba? Pero hindi naman totally burado (ene be telege?!). Siguro mahirap lang na maibalik yung pagkakaibigan natin na may lamat na dahil ikaw pala yung tipo ng taong alam kong gagawin, at gagawin mo pa din sa akin yung gagong bagay na yun kahit na ilang beses ka pa na nagsorry. I can forgive but I can NEVER forget

Bakit nga ba ganito yung blog ko ngayon? Eh halos more than a month na akong walang entry? Haha. Sa totoo lang, ang dami ko ng drafts pero after browsing my inbox, I read that one message sent to me a few weeks back. And it gave me an inspiration to write again.

Sa dami ng pinagdadaanan ko noong nakaraang linggo o buwan, ito talaga yung tumatak sa akin at deserve na deserve niya ang space dito sa blog ko.

Sa dinadami – dami ng mga isyu ko sa pagtitiwala, dito talaga ako naapektuhan. Sobrang nasaktan lang din ako kasi, gosh, ang tagal na natin magkaibigan. Kahit na ang dami nilang sinasabi tungkol sa iyo, hindi ko iyon pinapansin kasi mabait kang tao. I sometimes do judge but I try my best to see the goodness in a person. Hindi ko lang lubos maisip  na gagawin mo iyon sa akin. Masakit siya actually. Kasi ikaw lang yung gumawa sa akin ng ganyan. Yung tipong sa oras ng kagipitan, walang kaibi-kaibigan. Kahit anong bukas ko ng isipan ko para pilitin na intindihin ka, siguro naiintindihan ko, pero bumabalik pa din ako doon sa moment na puwedeng mong itama sana yung mali mo. Pero hindi mo ginawa. At sa tingin ko, nakita ko yung totoo mong sarili. Sabi nga nila, malalaman mo kung sino ang mga totoo mong kaibigan sa oras ng kagipitan.
Huy, hindi ko sinasabing ‘wag niyong pagkatiwalaan yung mga kaibigan niyo. Hindi ganun. Be very cautious. As much as possible, don’t give your full trust to a person especially to a friend. Para hindi ka dumating sa point na masasaktan ka ng sobra. Tao din naman tayo, nagkakamali. Pero kung alam mong mali ka, itama mo na agad, kasi kapag lalong tumatagal, lalong tumitindi yung pain and anger

Think also that God, doesn’t let you meet these people for no reason. For all we know, I met you girl, because He wants me to learn the value of trust and loyalty. He wants me to see the goodness in people and to try to totally forget about the things that don’t really matter. And to be very, very cautious of people around me. Salamat pa din dahil ngayon, medyo naliliwanagan na ako kung bakit ito nangyari. At least nagpakatotoo ako sa sarili ko. Lagi ko na lang kasi dinedegrade yung pagkatao ko. Yung tipong ako lang yung dapat na mag-give way lagi. 

So konting tapik sa sarili ko ngayon. Madami kang natutunan. At kung nagbabasa ka man ngayon, oo ikaw yung taong tinutukoy ko, nasabi ko na yung dapat kong sabihin. Whatever or wherever our friendship takes us, I hope you do learn something from this. Don’t ever hesitate to inquire if you are in doubt. Because things will get blurry everytime you miss the chance to ask. Look what happened. If you know you did something wrong, swallow your pride and apologize. Kasi ganun naman dapat.

Napakaimportante ang pagtitiwala sa isang relasyon. Kesyo, kapamilya, kaibigan, kasama sa trabaho, etc. Kaya ang tiwala huwag walain. Ipadlock ng mabuti at sikaping huwag masira.
Random Thoughts:

Dahil adik na ako kay IU, isang screenshot lang galing sa kanyang latest music video na, “Last Night Story” from her album, A Flower Bookmark 2. 👏🏻

“Last Night Story from A Flower Bookmark 2” Credits to 1theK, Fave Entertainment

Confessions of a Korean drama (Kdrama) addict.

Malamang halos karamihan sa inyo di na mapakali sa susunod na episode, upload mga eklavu. Ng Probinsyano ba? Yung iba siguro. Pero ako, yung Korean drama sa VIU Ph ang inaabangan ko. Di naman ako sobrang addict dati. Nito lang. After siguro ng DOTS. As in Descendants Of The Sun. If you know what I mean… Ha ha ha..
Bakit nga ba matunog ang mga kdrama? Ito yung mga rason ko.

1) Para sa akin, simple lang. Magaling kasi sila gumawa ng simpleng #feels pero yung impact sa tao sobra – sobra. Yung tipong hindi mo siya makikitang paulit – ulit sa mga korean dramas.
2) Napakaclear cut nung story line. Hindi kailangang pahabain ng isang taon kasi para lang magkaratings. (As far as I am concerned, kokonti lang ang nanonood ng kdramas sa SK. Not sure. Can somebody enlighten me?!)

3) Hindi ka talaga magsasawa at kahit na nagmamakaawa na yung eyebags ko sa sobrang adik ko sa kakanood, okay lang. Kasi dito nakakalimutan ko yung mga problema ko.

Dahil dyan, mag-eenumerate ako ng mga ilan sa mga Kdrama na napanood ko recently and yung mga natutunan ko sa bawat isa.

Descendants of the Sun

 Starring Song Joong Ki (SJK) and Song Hye Kyo (SHK). This drama taught me the value of trusting your partner. Of course, being patriotic. Isa sa mga favorite scenes ko doon eh yung nasa hospital si Yoo Si Jin (SJK) at yung matutulog na sila ni Kang Mo Yeon (SHK) tapos nagthank you sila sa isa’t – isa dahil sa pagligtas ng buhay ng bawat isa. Tapos nagdecide silang manood nung movie na hindi nila matapos – tapos (pero hindi din nila natapos sa huli). 

Credits to KBS and VIU Philippines for this image


Goblin

Ito na siguro yung pak na pak na pak na korean drama na punong – puno ng feels. Lalo na kay Kim Shin (Gong Yoo) at Ji Eun tak (Kim Go Eun). Ang isa sa natutunan ko naman dito ay ang hindi mag – give up sa love. Sabi nga nila, love transcends age and time. Kaya talaga namang age doesn’t matter dito mamshie. Kasi ba naman kung ganyan kapogi yung boyfriend mo kahit na 900++ years old na siya, okay lang anubeeey.. ❤ Isa din sa stories na hinangaan ko is yung kay Wang Yeo (Lee Dong Wook) and Kim Sun (Yoo In Na). It doesn’t matter who you love. Ang importante, mahal niyo ang isa’t-isa. Kelangan ko yatang sabihin ito sa sarili ko ah hahaha…

Isa sa mga paborito kong scenes dito yung nahuli ni Kim Sun si Wang Yeo sa restaurant niya. Like booom panis. Sa mga panahong ganito, kahit anong tago mo, lahat ng sikreto ay lalabas at lalabas din.

Credits to tvN and VIU Philippines

Credits to tvN and VIU Philippines



Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo

Sa lahat ng napanood kong Koreanovela, ito na siguro yung pinakamasaklap. Dahil hindi nagkatuluyan ang mga bida. Az en. T_T Dyusmiyoooo hindi naman natin or baka kung dito ginawa sa Pinas yung storyline nyan, lumalangoy sa kailaliman ng putik ang ratings nyan. 

Hindi naman naging paasa si 4th Prince Wang So (Lee Joon Gi) kay Go Ha Jin/Hae Soo (Lee Ji Eun/IU). Pero sadya lang talagang hindi sila pinagtagpo ng panahon. Ang saklap mga bes. Sobraaaaa. 😦 So dito maaapply yung tamang panahon ng AlDub. O pupuwedeng hindi talaga pinagtagpo ng tadhana. Dapat ipaglaban natin yung mga mahal natin kasi pagdating ng panahon baka mawalan na tayo ng oras. Tapos ayun pala, tapos na. Hindi na puwedeng isalba (ouch). Hay. Ligwak ganern ang peg.

Favorite ko dito yung kakiligan nila ni Hae Soo at Wang So while watching the moon. Ke ke ke ke..

https://static.asiachan.com/Moon.Lovers%3A.Scarlet.Heart.Ryeo.full.128699.jpg

Credits to SBS

**In fairness sa kanilang dalawa… #couplegoals <3<3<3


Weightlifting Fairy Kim Bok Joo

Ito ang isa sa mga feel good kdramas ko. Noong nasa lusak pa ang puso ko, ito lang yung nagsalba sa akin. Kaya kahit break na kayo Nam Joo Hyuk (NJH) at Lee Sung Kyung (LSK), tiwala pa din ako kung anong meron kayo. 

Kim Bok Joo (LSK) and Jung Joon Hyung (NJH) taught me so much about love. That is to never be afraid to love, to never be ashamed of love, and to never doubt of love. As generations and generations pass throughout this lifetime, we may realize that it doesn’t matter how young or how old we are. In love, we just have to learn how to handle the ups and downs of it and you’ll get through. 

Ohhhhh.. Kaya mo ba yang pangmalakasang statement ko? Hahaha. Eh basta sobrang gaan ng korean drama na ito kaya bet na bet ko kahit na 10 times ko pa itong panoorin.

Credits to MBC and VIU Philippines

Live Up To Your Name Dr. Heo

Ito bagong – bago pa lang I think yung Koreanovelang ito. May twist ng past and present plot. What I love about this kdrama is that eventhough they have different medical views since they both are from different times, they have one goal– to save every patient they see with their own might.  Siguro iisipin ng iba na medyo thunderbird na itong si Heo Im (Kim Nam Gil) at si Choi Yeon Kyung (Kim Ah Joong), pero may chemistry sila mga bessssss….. Hihihi..

Credits to tvN and VIU Philippines

Ayaaaaan. Sa totoo lang sobrang dami ko na napanood na Kdramas pero kung i-eenumerate ko dito lahat, baka maubos na oras niyo. Haha.

Korean dramas taught me that simplicity is a key to make an impact. It doesn’t have to last for a decade for it to make a mark. 

So sana lahat ng mga teleserye dito sa mahal kong Pilipinas eh hindi man maging katulad ng Koreanovelas pero sana yung mga plot nila ay hindi pare-parehas. Yung naakma sa panahon. Yung madaming matutunan yung mga tao ngayon. Yung tipong kahit hindi puno ng feels, eh hindi siya yung tipong, isasara mo na lang yung tv niyo at manonood ng Youtube (which is not bad too). Nakakawalang gana kasi yung mga palabas dito. Imbis na marelax ka, lalo ka pang mastestress. Hahahaha. Well, except for one.
Random Thoughts:

Gusto ko lang i-congratulate ang pinakapeborit kong teleserye ngayon, ang Wildflower para sa palong – palong ratings!!!!

Goodbye Ivy Aguas, at hello Lily Cruz.

Boooooooooooomm… 

Padaanin niyo nga si LC. Hindi si Lloyd Cadena. Si Lily Cruz.

Huwag Na Lang Kaya?

Napakaperfect talaga ng timing ng adrenaline ko sa pagbablog. Ang daming oras ano pero ngayon pa napili ng brain ko na ipush ako para magsulat. Take note… Wala pang ligo-ligo yan. Katatapos ko lang kumain ng sandamukal ng chocolate at katatapos ko lang din magnood ng napakaintense na episode na Wildflower ngayon (#WildflowerPagtutol) at kasalukuyan akong nag-iisa at nagluluto ng kakainin ngayong hapunan. 

No… Di ako magnanarrate ng mga gagawin ko ngayon. Parang written daily video blog? Nooo.. Hindi…. Yan lang ang gusto kong intro. Wa kayo paks.

Naisip ko lang yung title na yan dahil sa totoo lang, yan din ang status niya noong mga nakaraang araw. Na ang kapal ko dahil istinatus ko din. Hahahahahahahahaha.

Pero hindi lang naman related sa lovelife ang pwedeng irelate dyan. Sa totoo lang, madami sa buhay ko ngayon ang naghehesitate ako. 

Sa dinadami ng mga hesitations ko, talaga bang ‘huwag na lang kaya’ ang peg ko? Hindi naman. Siguro, takot lang akong aminin ang mga bagay na tapos na. Tuldukan ang mga pangyayaring hindi na pwedeng maulit pa. Kasi kung para sa akin naman talaga iyon, para sa akin iyon. 
Ang gulo ng trend ng pinatatype ko dito ano? Kasing gulo ng utak ko. Ha Ha Ha. 

Kung hindi niyo lang alam, ang “Huwag Na Lang Kaya?” ay isa sa mga pinakapaborito kong kanta ng True Faith, one of the best 90s OPM band (Opo batang 90s ako). Isa ito sa mga kanta na light lang. Lalo na sa mga torpe dyan. Ilalight ko yung way nila para di na sila maging torpe. Ha Ha Ha Ha. Pero seriously, for me, I think it talks about the hesitations of someone to confess his/her feelings to a guy/girl that he/she likes. It takes courage to say it out there, out loud. Or the feeling just passes you by (Sabi ni Mareng Julia Roberts sa My Bestfriend’s Wedding, tama ba mga beshie?!). In terms of love, madami tayong experiences dyan. Lalo na sa nagbabasa nito Ako lang pala. Haha. Siguro minsan lang ako nagpakatapang. At alam ng mga friends ko iyon. Itanong nyo na lang sa kanila. Haha. Pero ganun naman talaga. In love, you’ll probably do the most craziest things and hesitate on the important ones.

Mahirap naman talagang maging strong and magkaroon ng sobrang daming courage sa mga ganitong pagkakataon. Hindi lang naman sa pag-amin ng nararamdaman pero sa mga ibang aspeto ng buhay, tulad ng pagtanggal ng mga bisyo. Pag-amin sa sarili na hanggang dito lang ang kaya mo. Na hindi mo kailangang patunayan sa ibang tao na iba ang estado ng buhay mo lingid sa totoong buhay isang kahig, isang tuka ka pala. Advise ko lang sa mga taong nagprepretend or naghehesitate magpakatotoo, girl, go lang. Di ka namin ijajudge. Stay true and don’t hesitate to be you. You only live once and stay genuine as possible.

People have so many hesitations in their life that sometimes they don’t know what their strengths are. They may have a lot of “Huwag Na Lang Kaya?” moments which I think makes them miss half of their life. Sabi nga lagi ni Wil Dasovich sa mga videos nya, gumawa daw tayo ng mga bagay na hindi pa natin nagagawa, every single day. I should tell this to myself too. Like in my face, STOP THE HESITATIONS!!! (Well, gurl, di na ako naghesitate dun sa isang bagay pero yung iba….okay gurl sige).

So ayun, ikaw ba, nasabi mo ba sa sarili mo na, “Huwag Na Lang Kaya?”

Random Thoughts:

May tanong ako.
Mais ka ba?

Kasi ano…..
Ang corn-y mo.. 
Boooom. Waley.

How To Go On With Your Life If It Has Been All Sh*t?

Here is a post from someone.. 😦

“For the last time.. Hopefully… I have a confession to make…
Una sa lahat, gusto ko lang sabihin na nakakabuwisit lahat ng mga lalaking pa-fall……
Simple lang akong babae. Di naman ako ganun kaganda pero sa mata ng nanay at tatay ko syempre, maganda ako. Sa tingin ko naman hindi ako mahirap mahalin dahil lahat ng kababawan sa mundo, kaya kong tawanan. Mukha lang talaga akong masungit at oo minsan suplada ako or boses suplada. Kaya siguro wala pang nagkakamali. May mga kaibigan naman akong lalaki. Kaya ko naman makihalubilo kaso lang minsan di pa din ako sanay. 
Pero salamat sa iyo dahil kahit papaano, naranasan kong magkaroon ng kasama sa sinehan para manood ng horror movie (kahit hindi ako nanonood nyan). Salamat dahil hindi ko alam kung bakit kahit 10 pm, pupuntahan mo lang ako para humingi ng files para sa research paper mo eh pwede ko namang isend sa email mo. Salamat din kasi kahit na last minute na yung mga pinaparefer, pinupuntahan mo pa din. Salamat kasi sabi nila hindi ka daw mareply sa text pero kahit na paano, nagrereply ka sa akin. Salamat din kasi yung one Valentines date na yun na natraffic tayo, tapos nagmamadali pa tayong kumain dahil showing na pala yung papanoorin natin. Tapos natraffic ulit tayo at kwentuhan lang sa kotse mo. Salamat at nafeel ko din na pwede pala akong makaexperience ng ganun.
Kaso lang nung nagsisimula na akong mafall sa iyo, bigla ka namang nawala. Sa totoo lang, pinanghahawakan ko pa din yung time na ikaw ung unang kumuha ng number ko. Ikaw yung unang tumawag sa akin para ayain ako lumabas pero sa kasamaang palad di ako pumayag kasi may emergency ako. Yung fact na hindi ako ang unang lumapit sa iyo. Yun ang pinanghahawakan ko.
Sorry baka nakulitan ka sa akin kasi kahit magkaduty tayo, text ako ng text sa iyo. Sorry kung sa tingin mo, ayoko sa iyo kasi di kita pinapansin pag inaasar nila tayo. Sorry kung minsan nasaktan ka dahil parang feeling mo di kita pinapahalagahan. Sorry talaga kasi hindi ko alam kung nagsesend ka lang ng mixed signals sa akin. Hindi ganun kagaling ang pick-up ko sa mga ganyan. At kasi di ko alam sasabihin ko dahil hindi ko alam kung ano ako sa iyo. Kasi sobrang kinikilig ako na baka mahalata nila. Sorry late ko na narealize na sobrang gusto pala kita. Kung alam mo lang na sa bawat panahon na pupunta ka sa o.r. sinusulyap-sulyapan kita kahit busy ako. Sorry kasi baka naoverwhelm ka sa sobrang papansin ko, at sa sobrang kakulitan ko sa messenger at sa text. Sorry kasi baka nahurt ka sa akin. Kung alam mo lang na ngayon lang ako nagpakatanga ng ganito sa isang lalaki.
Sa lahat ng mga sorry ko sa iyo mukhang wala na yatang magagawa. Kasi ito yung pinakamasakit sa lahat…..
Yung gusto ko sanang maconfirm kung sino yung nasa cryptic posts mo sa FB tapos sinabi ko sa iyo yung nararamdaman ko kasi gusto kong maconfirm kung sino ba yun at para matahimik na din ako kaso lang wala kang pakialam. Ang sakit-sakit. Ni wala man lang pagpapaliwanag. Sabi mo lang na okay sige walang makakaalam nito. Sobrang sakit sa totoo lang. Nababaliw na ako dahil sa inaraw-araw simula ng sinabi ko sa iyo na gusto kita, hindi ako makatulog ng maayos. Hindi ako makakain. Parang pinipilit ko lang na gumising sa umaga dahil kailangan ko. Hindi ko alam kung paano ko bibitawan yung pinanghahawakan ko. Kasi ngayon alam ko naang tanga-tanga ko. Ni hindi ko nga alam kung at one point in time, nagustuhan mo ba ako or pinilit mo lang yung sarili mo dahil sa pressure ng ibang tao.
Ngayon ako nagpromise sa sarili ko last day na ito para isipin ka. Susubukan kong mag-move on bukas. Kaso lang kakayanin ko kaya?
Hay ang hirap talagang mag-move on. Paano ba?”
Yes girl. Mahirap mag-move on. I feel you.
Random Thoughts:

“Cause I am barely breathing, I can’t find the air. Don’t know who I’m kidding, imagining you care. ‘Cause I could stand here waiting like a fool for another day. But I dont suppose it’s worth the price,the price that I would pay.”

Barely Breathing, Duncan Sheik
Kaya mo yan gurl. Konting oras lang makakasanayan mo din ulit ang bagay – bagay. 

Some Nobody.

So mga beks pano ba yan. 14 hours pa lang ang nakalipas pero may blog entry na naman. Haha.

Well, bakit nga ba yan ang title ko? Naisip ko lang. Dati akong wala lang pakialam sa mundo. Wala pang naachieve. Walang kwenta. Pero nakakaloka after my years of existence sa Earth, madami na din pala akong nagawa. Siguro 60% bad, 40% good (Kids wag tutularan). At sa mga pagkakataong yan, madami akong natutunan. Na kung dati kang nobody, puwede kang maging somebody na kahit hindi ka man naging presidente ng Pilipinas, sa sarili mong pagsisikap, nakatulong ka sa kapwa mo. 

Dati talaga, galit ako sa mundo. Sabi ko nga bakit ba ako hindi ginawang perpekto? Bakit hindi kami kasing yaman ng mga kaklase ko? Bakit hindi ko magawang masabi na, “Ma, bilhan mo naman ako ng cellphone kasi yung classmate ko meron na sila.” Hindi ko iyon magawa. Dahil middle class family lang kami. Tinuruan kami ng tatay at nanay ko na huwag sumunod sa uso. Kasi madalas hindi naman kailangan yun. Kaya hanggang ngayon na medyo nakakaangat na kami ng konti sa buhay (at nakakabili na ako ng sarili kong cellphone), hindi ko lubos maisip na bumili ng mga bagay na hindi ko naman kayang panindigan. Halos lahat nga ng kakilala ko may mga sasakyan na. Marunong magdrive. Siyempre kapag pumasok sa trabaho, nakachedeng ang iba. Eh wala akong pake. Magcocommute ako hangga’t gusto ko kasi ito lang kaya ko sa ngayon, hindi ko kayang bumili ng sasakyan tapos di ko pa pala kayang bayaran ang monthly fee…

Oh di ba?! Wow. Iba na pala ang way of thinking ko ngayon. Haha. Kung dati, hindi ako concern sa mga ganitong bagay dahil nga isa lang akong nobody pero ngayon, ang dami ko ng iniisip. In a few years time, kailangan ko na magtakeover sa gastusin sa bahay. At syempre hay #adulting sucks. Sa totoo lang. 

But that  is how life is. Taking over of responsibilities. From being a nobody, you become somebody to a once nobody. 

So ayun. Nagpapasalamat lang ako sa mga magulang at sa lolo at lola ko and sa lahat ng mga naging mentor ko magmula nung preschool ako hanggang sa nagtraining ako at hanggang ngayon. Hindi ako magiging taong may halaga kung hindi dahil sa inyo.

**Spontaneously writes what is inside my head. And nope, I am still not over about my ‘current’ issues. If you know what I mean. 😭
Random Thoughts:

Happy Father’s Day to one of the most patient man I have ever met. Thank you sa paghatid sa akin sa work kahit pagoda ka na minsan. Saranghae abeoji.

Meanwhile…

#NowPlaying

From Spotify. Something Better by The Ransom Collective